Ipinasa ang Philippine Identification System Act, o PhilSys Act, noong 2018 na may layuning padaliin ang pagbibigay-serbisyo sa publiko at iba pang transaksyon na nangangailangan ng patunay ng pagkakakilanlan. Ngunit anim na taon ang lumipas mula nang maisabatas ito at tatlong taon mula nang buksan ang pagrehistro sa publiko, maraming Pilipino pa rin ang naguguluhan sa PhilSys, mula sa paano kumuha nito hanggang sa paano ito gamitin.

Para palawakin ang pagbibigay-alam tungkol sa PhilSys, ibinabahagi ng Foundation for Media Alternatives ang salin sa Filipino ng PhilSys Primer na nilathala namin noong 2019. Dito, maaaring makita kung ano ang PhilSys, sino ang pwedeng magrehistro para rito, at paano magprehistro. Nakapaloob din dito ang mga impormasyon tungkol sa limitasyon sa paggamit ng PhilSys, pati na rin ang mga karampatang parusa sa maling paggamit nito.

Loading


0 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *